-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng actress at politician na si Aiko Melendez ang pagtatapos niya ng kolehiyo.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng mga larawan na nakasuot ng toga sa kaniyang pagtatapos sa Philippine Women’s University sa kursong Communication Arts Major in Journalism.

Sa caption nito ay niya lubos akalain na mapagsabay-sabay ang trabaho bilang konsehala ang Quezon City at bilang isang ina.

Maituturing aniya ntio na isang matagal na pangarap na natupad na.

Target nito ngayon ang pagpursige ng postgraduate degree.