-- Advertisements --
Nagkaroon ng ibang epekto ang coronavirus sa actress na si Alyssa Milano.
Sa kaniyang social media, nagpost ito na ilan sa mga dito ay ang pagkalagas ng kaniyang buhok.
Sinabi nito na n mula pa noong Marso ay nakaranas na ito sintomas ng nasabing virus.
Dagdag pa nito na dalawang beses itong nagnegatibo sa pagsusuri at mula noon ay nagpositibo siya sa antibodies.
Sa loob aniya ng dalawang linggo ay nagbawas ito ng 9 lbs sa timbang niya.
Pinayuhan niya ang mga followers na magsuot lagi ng face mask, maghugas ng kamay at obserbahan ang social distancing.