-- Advertisements --

Inireklamo ang actress na si Amber Heard ng pagnanakaw ng kuwento ng kaniyang personal assistant na naging biktima ng sexual assault.

Ayon kay Kate James, na nagtrabaho sa 34-anyos na actress mula 2012 hanggang 2015, nadiskubre niya na ninakaw ng actress kuwento nitong pang-aabuso at inangkin niya ito.

Ginamit aniya ng actress ang kuwento para maging biktima siya.

Ito rin ang ginamit ng actress para palabasin na siya ay sinasaktan ng dating asawang si Johnny Depp.

Magugunitang nagsampa ng reklamo ang actress kay Depp na ito ay sinaktan ng 14 na beses.