-- Advertisements --

Ibinunyag ng actress na si Angelica Panganiban na ito ay muling sumailalim sa panibagong hip surgery.

Ang nasabing proseso aniya ay para tuluyang gumaling na ang kaniyang avascular necrosis.

Base kasi sa mga eksperto na ang avascular necrosis ay ang pagkamatay na ng bone tissue dahil a kawalan ng suplay ng dugo.

Paliwanag ng actress kaya ito muling sumailalim sa operasyon dahil sa hindi naging maganda ang kaniyang pakiramdam.

Mula kasi ng pumanaw ang kaniyang ina ay mas minabuti niyang laging bantayan ang kaniyang kalusugan.

Labis itong nasiyahan dahil a nawalan na ng kirot at sakit ang kaniyang naramdaman.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawa nilang pagpapagaling.