BAGUIO CITY – Nagpapagaling pa sa pagamutan ang actress/host na si Antoinette Taus matapos magtamo ng multiple injuries sa kanyang bisig, hita at dibdib dahil sa pag-atake sa kanya ng isang aso habang nasa Baguio City.
Ibinahagi ni Taus ang mga larawan ng kanyang kaliwang bisig na sumailalim ng two-hour surgery habang pinapalitan ito ng bandages.
Ayon sa kanya, nangyari ang insidente noong gabi ng Sabado sa isang family wedding sa lungsod ng Baguio.
Aniya, kinagat din ng aso na isang chow chow breed ang kanyang kaliwang hita at kanang dibdib.
Ibinahagi niya na may lumabas pang taba sa kanyang sugat sa kamay at nakita pa niya ang tendon ng kanyang palapulsuhan.
Gayunman, ipinagpapasalamat ng actress/host na walang permanenteng damage ang kanyang mga sugat at walang arteries o nerves na nasira.
Pinagdarasal din aniya ang mabilis na pag-recover ng kanyang mga sugat.
Buong-puso pa itong nagpasalamat sa mga doctors at nurses na nag-alaga sa kanya mula nang dinala siya sa pagamutan.
“I am currently confined and recovering from dog bites to my left forearm, left thigh, and right breast. I was attacked by a chow chow on Saturday evening while at a family wedding in Baguio. My left forearm suffered the worst and took two hours of surgery and suturing.”
“We didn’t get to take photos when it happened or in the emergency room. There was so much going on that nobody thought of it. These are photos of my arm after surgery when my bandages were being changed. But initially when it first happened there was some fat hanging out of the wound and I could even see the tendon in my wrist. Luckily there’s no permanent damage and no arteries or nerves were harmed,” ani Antoniette sa kanyang social media account.