-- Advertisements --

Nanawagan ang Hollywood actress na si Ashley Judd kay US President Joe Biden na umatras na sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Sinabi nito na dahil sa mga batikos at pagkuwestiyon sa kalusugan ni Biden ay nangangamba ito ang muling panunungkulan ni dating US President Donald Trump.

Giit nito na malalim ang tiwala niya kay Biden sa kaniyang pamumuno.
Nangangamba lamang ito sa muling panunungkulan ni Biden.

Magugunitang una ng nanawagan ang actor na si George Clooney kay Biden na umatras na lamang sa pagtakbo.