-- Advertisements --

Namayapa na ang actress at writer ng mga sikat na soap opera na si Meg Bennett sa edad 75.

Ayon sa kaanak nito na hindi na nito nakayanan ang pakikpaglaban sa cancer.

Tubong Pasadena at nakasama ito sa soap opera na “Search For Tomorrow” na pinagbibidahan noon ni Liza Walton noong 1975.

Matapos ang ilang taon ay naging matunog ang pangalan nito ng gumanap siya bilang si Julia Martin sa “The Young and Restless”.