-- Advertisements --
Pumanaw na ang supermodel at actress na si Dayle Haddon sa edad na 76.
Kinumpirma ng kampo nito na nasawi siya sa soffucation ng carbon monoxide leak sa Solebury, Pennsylvania.
Nadiskubre ng Solebury Township Police Department ang katawan nito sa kuwarto nito na matatagpuan sa ikalawang palapag.
Nakita naman ang kasama nitong si Walter Blucas na nawalan din ng malay at nakahiga kaya ito ay itinakbo sa pagamutan.
Nakilala ang si Haddon sa mga sikat na magazine mula dekada 70 at 80.
Bumida ito sa ilang mga TV shows gaya ng “North Dallas Forty”, “Max Headroom” at “The Hitchhiker”.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.