-- Advertisements --
Barbie Forteza
Barbie Forteza/ IG post

Nabiktima ng basag-kotse ang actress na si Barbie Forteza.

Mismo ang kaniyang nobyong si Jack Roberto ang nagbunyag sa pamamagitan ng kaniyang vlog.

Sinabi ng actor, nangyari ang pagnanakaw noong Disyembre 21 sa Kamuning Road, Quezon City.

Mismo ang actress ang nakadiskubre ng insidente.

Nakuha sa nakawan ang bag ng ina ng actress.

Nagpasalamat na lamang ito dahil walang nasaktan sa kanila at walang mga mahahalagang gamit ang laman ng bag na ina nito.

Ikinalungkot din ng actress dahil kahit may mga CCTV sa lugar ay hindi ito gumagana.