-- Advertisements --

Nagwagi ang Filipina emerging superstar Belle Mariano bilang Outstanding Asian Star sa 2022 Seoul International Drama Awards.

Nahigitan ng 20-anyos na actress ang 175 na mga lalaki at babaeng actress para sa awards.

Kabilang sa mga nominado ay ang Filipino actor Donny Pangilinan ganun din sina Charlie Dizon, Dimples Roman, Jake Cuenca, Maris Racal, Kaila Estrada at Zanjoe Marudo.

Ilan sa mga nakakuha na rin ng nasabing pagkilala ay sina Alden Richards noong 2019 at Dingdong Dantes noong 2020.

Itinaguyod noong 2006 ang SDA ay siyang tanging international drama festival sa South Korea na kumikilala sa mga kilalang drama sa buong.