-- Advertisements --

Humingi ng pagdarasal ang actress na si Carla Abellana sa kaniyang mga followers matapos na ito ay ma-ospital.

Sa social media account nito ay nagpost siya ng larawan habang nasa Diliman Doctors Hospital.

Makikita sa larawan ang taas ng lagnat nito at ang isang kamay ay naka IV drip.

May caption pa ito ng pagdarasal dahil sa labis na pananakit at hindi pagiging komportable.

Maging ang mga kapwa artista nito ay nagpaabot na rin ng pakikipagdasal para sa paggaling ng actres.