-- Advertisements --

Ibinunyag ng actress na si Cassy Legazpi na siya ay na-diagnosed ng hypothyroidism.

Ang nasabing kondisyon ay kapag ang thyroid galdn ay hindi nakakagawa ng sapat na hormones.

Sinabi pa nito na nagpasya siyang magpa-check up matapos na mapansin ng kaniyang mga kaibigan na ito ay parang may sakit.

Dagdag pa nito na nakakaranas ito ng panlalamig at nilalagnat kasama na rin ang palaging napapagod.

Matapos ang pagtungo sa doctor ay itinuon na lamang niya ang atensiyon sa pagiging malusog at hindi ang pagpapapayat.

Katuwang nito ang kambal na si Mavy na tumutulong para sa kaniyang pag-woworkout.