-- Advertisements --

Nilinaw ng actress na si Chie Filomeno na wala siyang sakit na eating disorder.

Kasunod ito sa batikos mula sa kaniyang mga followers sa social media.

Sinagot lamang nito ang tanong ng mga fans at sinabing tao lamang siya.

Nagbunsod ang pagkuwestiyon sa kaniyang kapayatan ng magpost ito ng larawan na naka-bikini.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na sinagot niya ang pagpuna sa kaniyang katawan kung saan hindi dapat kunsintihin ang mga nagbo-body-shame.