-- Advertisements --

Pumanaw na ang Hollywood actress na si Cindyana Santangelo sa edad na 58.

Ayon sa mga otoridad na nakatanggap sila ng tawag kaya nirespondihan nila ang bahay niya sa Malibu.

Dinala pa ito sa pagamutan at doon na binawian ng buhay.

Base sa imbestigasyon na nagturok ito ng ng cosmetic shots sa bahay niya na maaring sanhi ng kaniyang kamatayan.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad dahil walang nakitang anumang marka ng foul play.

Itinuturing ang actress bilang “Latin Marilyn Monroe” kung saan bumida ito sa ilang TV Series sa America gaya ng “Married With Children”; “CSI: Miami” at “ER”.