Kinoronahan bilang Philippines Noble Queen Universe 2022 ang actress at dating Tacloban City Mayor Cristina Gonzales.
Naging kinatawan kasi ang actress ng Philippines- Visayas sa kauna-unahang beauty at advocacy na sinalihan nito na ginanap sa Tokyo, Japan nitong Disyembre 29.
Nagwagi naman si Leira Buan ng Philippines-Mindanao bilang Noble Queen International 2022, habang Noble Queen Earth ang Philippines-Luzon representative na si Sheralene Shirata, Noble Queen of the Universe LTD si Marjorie Renner ng Amerika; Noble Queen Globe si Yuko Noguchi ng Japan; si Jenny Miglioretto ang Noble Queen of the Universe Tourism at Advocate Queen naman si Ratchell Catt ng Guam.
Sa kaniyang social media ay pinasalamatan ni Gonzales ang organizer ng pageant dahil sa nabigyan ito ng pagkakataon na manilbihan at maibahagi ang kaniyang adbokasya.
Malaki aniyang maitutulong nito sa kaniya lalo na ang mga ginagawa nitong charity works.