-- Advertisements --

Pumanaw na nag actress na si Dame Diana Rigg sa edad 82.

Ayon sa anak nitong si Rachael Stirling, dinapuan ito ng cancer na unang nadiskubre noong Marso.

Humingi naman ng privacy ang kaanak ng actress.

Nakilala siya sa pagganap bilang si Emma Peel sa TV series na The Avengers at Olenna Tyrell sa Games of Thrones.

Siya rin ang unang babae na gumanap bilang Mrs. James Bond sa pelikulang “On Her Majesty’s Secret Service” noong 1969.

Nominado ito ng siyam na primetime Emmy awards kung saan nagwagi ito bilang Mrs. Danvers sa pelikulang “Rebecca” noong 1997.