Naging emosyonal ang actress na si Drew Barrymore ng humingi ito ng paumanhin sa Writers Guild of America.
Nagdesisyon kasi ang actress na ipagpatuloy ang kaniyang talk show kahit na kasalukuyang nagsasagawa ng kilos protesta ang Writers Guild of America.
Sa video na inilabas nito na handa niyang akuin ang kaniyang ginawang pagbabalik sa ere.
Paglilinaw nito na noong Abril 20 ay pansamantala nilang itinigil ang show at hindi nangangahulugan na ito ay tuluyan ng napahinto.
Umani kasi ng batikos ang pahayag nito noong nakaraang linggo na ibabalik niya ang talk show kahit na walang tulong o kontribusyon ang Writers Guild of America.
Magugunitang nagsagawa ng kilos protesta dahil sa nais nilang bayaran sila gaya ng mga natatanggap na bayad mula sa nagpapalabas ng mga online streaming.