-- Advertisements --
Nakatakdang ipasubasta ng actress na si Gwyneth Paltrow ang kaniyang damit na sinuot noong Oscars para makalikom ng pondo sa food banks sa United States.
Kabilang ang actress sa “All In Challenge” kung saan maraming mga Hollywood stars ang nagbebenta ng kanilang mga gamit para sa pagpapakain sa mga kababayan nila na nangangailangan sa panahon ng coronvirus pandemic.
Ang nasabing damit na isang hand-beaded Calvin Klein ay isinuot ng actress noong Oscars 2000.
Tiniyak nito na personal niya itong ibibigay sa bibili at papayag itong makipag-kape sa kaniya.
Magsisimula ang bidding sa $2,500 o mahigit P127,000.
Nauna ng sinabi ng actress na ang nasabing damit ay hindi niyang paboritong damit.