-- Advertisements --

Pinayuhan ng actress na si Iza Calzado ang kaniyang mga fans na magpahinga rin at huwag balewalahin ang katawan.

Sa social media account nito ay ibinahagi niya ang pagpapagaling mula sa isang respiratory infection.

Dagdag pa nito na dapat ay bigyang halaga ang pagpapahinga at huwag kalimutan ang kalusugan habang patuloy ang pagtatrabaho.

Dagdag pa nito na patuloy na siyang gumagaling at bumubuti na angkatawan.

Nakalipat na rin ito ng bagong bahay kung saan mayroong magandang kapaligiran na makakabuti sa kaniyang baga.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay ibinahagi ng 42-anyos na actress na ito ay dinapuan ng bronchitis at pharyngitis.