-- Advertisements --

Inihatid na sa kaniyang huling hantungan ang actress na si Jaclyn Jose.

Nitong Linggo ng hapon ay dinala ang creamted remains ng 60-anyos na actress sa The Garden of the Divine Word Columbary sa Quezon City.

Isinagawa ang libing isang araw matapos ang pagdating ng bunsong anak ng actress na si Gwen Guck na sa US nag-aaral.

Una ng nakauwi ang mga kapatid ng actress na naninirahan na rin sa Amerika.

Mayroon dual citizenship kasi ang actress dahil ang ama nila ay isang Amerikana.

Pawang mga malalapit na kamag-anak lamang at ilang mga kasamahan nito sa showbiz ang dumalo sa nasabing libing.