-- Advertisements --

Nagbigay ng $1 milyon bilang donasyon sa mga biktima ng widlfire sa California ang actress na si Jamie Lee Curtis.

Sinabi ng Oscar winner na nagdesisyon sila ng asawang si Christopher Guest at mga anak na magbigay ng $1-M bilang suporta sa mga tao na naninirahan doon.

Nakipag-ugnayan na ito sa mga opisyal ng California para malaman kung saan ilalagay ang nasabing donasyon.

Labis kasi itong naapektuhan matapos na makita ang kalapit na bahay nila sa Pacific Palisade na nasusunog.

Magugunitang maging ang mga kapwa celebrities nito na sina Paris Hilton, James Woods, Mandy Moore at Billy Crystal ay nilamon ng apoy ang kanilang bahay.

Nagbigay na rin ang ilang Hollywood celebrities ng tulong sa mga residenteng apektado ng sunog.