-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng actress na si Kristel Fulgar na ito ay engaged na sa Korean boyfriend nito na si Ha Su Hyuk.

Sa social media account ng actress ay ibinahagi ang larawan ng engagement na naganap nitong Pebrero 28, 2025.

Sa isang pribadong lugar ginanap ang engagement na dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan ng dalawa at nandoon din ang ina ng actress.

Noong Nobyembre 2024 ng inamin ng dalawa ang kanilang relasyon.