-- Advertisements --

Napili bilang honorary ambassador in the Philippines ng Korea Tourism Organization (KTO) ang actress na si Kyline Alcantara.

Ito ang kinumpirma ni KTO Manila director Hyung Joon Kim sa isang maiksing programa na ginanap sa isang hotel sa lungsod ng Taguig.

Labis naman ang kagalakan ng 19-anyos na aktress sa pagkapili sa kaniya bilang honorary ambassador.

Dagdag pa ng actress na madadagdagan pa lalo ang kaniyang kaalaman sa mga K-dramas, K-pop ganun din ang mga Korean culture.