-- Advertisements --

Sinurpresa ni LJ Reyes ang kaniyang mga fans at social media followers matapos ang engagement nito sa non-showbiz boyfriend.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ang actress ng mga larawan ng pag-alok ng kasal ng nobyong si Philip Evangelista.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kapwa artista at ilang mga fans nito.

Maging ang dating nobyo nito na si Paolo Contis ay nagpaabot ng pagbati kung saan sinabi niya na karapatan ng dating nobya na lumigaya.

Taong 2021 ng lumipat sa New York City ang actress matapos ang hiwalayan ng dating nobyo sa loob ng anim na taon na si Contis.

May dalawa ng anak ang actress na una kay Paulo Avelino at kay Contis.