-- Advertisements --

Balik na sa social media ang actress na si Maris Racal matapos ang kinaharap nitong ‘cheating controversy’.

Matapos ang ilang linggo social media break ay nag-post ito ng poster ng kaniyang pelikulang “Sunshine”.

Ang nasabing pelikula ay bahagi ng 36th Palm Springs International Film Festival.

Kasama rin sa captions ang mga listahan ng kung saan ipapalabas ang nasabing pelikula.

Ang nasabin pelikula ay nominado bilang Best Youht Film ng 2024 Asia Pacific Screen Awards.

Magugunitang nasangkot ang actress sa cheating controversy matapos ang pagbahagi ni Jam Villanueva ang dating nobya ni Anthony Jennings ng mga screenshots ng kanilang conversation.