-- Advertisements --

Natagpuang patay Hollywood actress na si Michelle Trachtenberg sa edad na 39.

Ayon sa mga kapulisan ng New York, nakatanggap sila ng tawag sa 911 at nakita ang bangkay ng actress sa kaniyang apartment sa Manhattan.

Hindi pa nila matukoy ang naging sanhi ng kaniyang kamatayan kung kaya’t kanilang ipinasuri sa mga eksperto ang bangkay nito.

Ang actress ay sumikat noong kabataan niya sa pelikulang “Harriet the Spy” hanggang nakilalla sa TV shows na “Gossip Gir”.

Taong 2000 ng nakasama siya sa TV series “Buffy the Vampire Slayer,” at ilang mga sikat na soap opera sa US.