-- Advertisements --
Engaged na ang actress na Hollywood actress na si Millie Bobbie Brown kay Jake Bongiovi ang anak ng American rock star na si Jon Bon Jovi.
Sa kaniyang social media account ay kinumpirma ng 19-anyos na actress ang engagement nito sa 20-anyos na actor-film producers.
Kuwento pa nito na mahigit tatlong taon na silang magkarelasyon at nagpasya na ang actor na pakasalan ang kasintahan.
Nagpost ang dalawa ng mga larawan nila kung saan nakasuot ng engagement ring ang actress.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga fans at celebrities matapos ang paglabas ng nasabing balita.