-- Advertisements --

Ibinahagi ng actress na si Elijah Alejo ang nakakatakot na karanasan nito matapos na siya ay maholdap.

Sa social media account nito ay ibinahagi nito ang insidente habang papasok siya sa paaralan.

Kuwento ng 20-anyos na actress na papunta na sana ito sa Manila Central University sa Caloocan City para sa kanilang tree planting activity.

Ibinaba siya ng kaniyang sinakyang motortaxi sa bahagyang kalayuan ng kanilang paaralan kaya ito ay naglakad.

Habang naglalakad ay nilapitan siya ng isang lalaki at binulungan ito na ibigay ang kaniyang pitaka.

Nadismaya rin ito dahil sa walang anumang nakalagay na CCTV nanakapalibot sa nasabing lugar.

Nagpasalamat na rin ito dahil sa walang masamang nangyari sa kaniya.

Pinayuhan na lamang ng actress ang mga fans nito mag-doble ingat.