-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng actress na si Nadia Montenegro na siya ay reservist ng Philippine Navy.

Sinabi ng 52-ayos na actrss na natapos niya ang Basic Citizen Military Course.

Kabilang siya sa mahigit 40 na indibidwal na karamihan ay mga empleyado ng Senado na nagtapos nitong Martes matapos ang ilang linggong pagsasanay.

Ang actress ay nagtatrabaho bilang political affairs officer ni Senator Robin Padilla.

Ang senador kasi ay reservist din na may ranko na lieutenant colonel.

Hinikayat ng actress ang publiko na makibahagi sa pagiging reservist kung saan dapat isipin nila kung ano ang magagawa nila sa bayan.