-- Advertisements --

Patuloy pa ring imo-monitor ng kaniyang doktor ang kalusugan ng actress na si Neri Naig, kahit makauwi na ito sa kanilang bahay.

Ito ang kasunod ng release order ang Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 upang palayain si Neri ngayong Miyerkules, December 4, 2024.

Pinahintulutan kasi ng korte ang motion to quash na inihain ng legal counsel ni Naig sa isinampang kaso laban sa kaniya na syndicated estafa, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Pero dahil na-ospital ito dahil sa masamang pakiramdam, kailangan pa ng bukod na clearance ng doktor para maka-uwi ang actress.

Maging ang mga otoridad ay naka-antabay din upang maiwasan ang posibleng pagsugod ng mga tagasuporta nito at maging ang mga naghain ng reklamo laban sa kaniya.