-- Advertisements --

Binabatikos ngayon ang Oscar-winning actress na si Reese Witherspoon.

Ito ay matapos na magpost ng video sa kaniyang social media na gumawa ng coffee-caramel drink gamit ang mga yelo sa labas ng kaniyang bahay.

Ang nasabing video ng 47-anyos na actress ay mayroong mahigit na 4.8 milyon views na.

Maraming mga viewers nito ang hindi sumang-ayon sa ginawa ng actress dahil hindi umano ligtas na kainin ang nasabing mga yelo.

Ipinaliwanag naman ng mga eksperto na hindi lamang ligtas ang unang bagsak ng snowfall.

Magiging ligtas lamang ito na kainin sa mga susunod na mga snowfall.