Naghain na ng kaniyang kasagutan ang actress na si Rita Daniela sa counter-affidavit na isinumite ni Archie Alemania.
Isinagawa ng actress ang panunumpa sa Bacoor Hall of Justice sa Cavite nitong Martes, Disyembre 17, 2024.
May kaugnayan ito sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ng actress sa actor.
Bagamat hindi nakadalo ng personal si Atty. Maggie Abraham-Garduque ang abogado ng actress ay mayroon namang representative ng abogado ang dumalo para makakuha ng kopya.
Ayon sa piskalya na tila inamin ng actor ang ginawa nito kung saan nagbibiro lamang ito ng hawakan niya ang actress.
Ilan sa mga pag-amin nito ay ang pagpapadala ng text message na ito ay humihingi na paumanhin.
Itinakda naman sa Enero 7, 2025 ang preliminary investigation para sa actor.