-- Advertisements --

Nakalabas na sa pagamutan ang actress na si Shaira Diaz matapos na matanggal ang kaniyang appendix.

Sa social media account nito ay ibinahagi niya ang larawan habang nakasuot ng hospital gown.

May caption nito na pasasalamat sa mga tumulong at nagdasal para sa kaniyang agarang paggaling.

Pinasalamatan niya ang mga doctors ng Perpetual Help Medical Center, mga pamilya, at nobyong si EA Guzman dahil sa pag-alaga sa kaniya.

Kuwento nito na sa una ay akala niyang simpleng sakit lamang sa pusod subalit ng ipakonsulta sa doctor ay kinailangan na ito ay operahan na.