Ibinunyag ng actress na si Shannen Doherty na kumalat na sa kaniyang buto ang kaniyang stage four breast cancer.
Sinabi nito na hindi siya nawawalan ng pag-asa na gumaling kaya patuloy ang kaniyang ginagawang pagpapagamot.
Dagdag pa ng 52-anyos na Beverly Hills 90210 na hindi pa siya tapos mabuhay, magmahal at gumawa kaya mararapat na mabuhay pa siya.
Taong 2015 ng siya ay ma-diagnosed ng breast cancer at matapos ng isang taon ay sumailalim siya sa mastectomy.
Dahil sa nasabing proseso ay kumalat pa ang cancer cells nito sa lymph nodes kaya nagsimula itong sumailalim sa chemotherapy at bumalik ang breast cancer noong Pebrero 2020.
Tubong Tennessee ang actress kung saan ilang mga pelikula nito ay kinabibilangan ng “Little House on the Praine”, “Girls Just Want To Have Fun” at maraming iba pa.