-- Advertisements --
SHARON STONE 2

Inamin ng Golden Globe-winning actress na si Sharon Stone na inalis siya sa Bumble dating app dahil sa report ng ilang user na “poser” o fake ang kaniyang account.

Hindi raw kasi makapaniwala ang maraming miyembro ng dating app na sumali siya sa kanilang “hive.”

Ilan ay nag-report agad sa administrator ukol sa anila’y pekeng gumagamit ng pangalan ng isang sikat na aktres.

Dahil blocked na sa site, sa Twitter na lamang nito inilabas ang kaniyang kwento.

“Hey @bumble, is being me exclusionary? Don’t shut me out of the hive,” wika ni Stone.

Matapos matuklasan ng Bumble, ibinalik agad sa active status ang account nito.

Nagpasalamat din sila sa pagsali ng aktres sa kanilang online group.