-- Advertisements --

Pinuri ng actress na si Sienna Miller ang pumanaw na actor na si Chadwick Boseman.

Ito ay dahil pumayag ang actor na ibigay bilang donasyon ang kaniyang sahod para makasama ang actress sa isang pelikula.

Sinabi ni Miller na ginawa ng actor ang nasabing hakbang para makuha siya ng production team ng pelikulang “21 Bridges”.

Magugunitang pumanaw ang actor noong nakaraang buwan dahil sa cancer.