-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng actress na si Sofia Pablo ang kaniyang pagtatapos mula sa Junior high school.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ang actress ng larawan na hawak nito ang diploma at naka-toga.
Pinasalamatan nito ang kaniyang magulang at mga naging guro sa University of Santo Tomas.
Itinuturing ng actress na isang malaking accomplishment ang pagtatapos nito sa Junior high dahil sa abala ito sa kaniyang showbiz career.