-- Advertisements --

Kinasuhan ni actress Sophie Turner ang dating asawa na si Joe Jonas para maibalik ang kanilang anak sa England.

Ayon sa korte na naghain ng petisyon sa korte ang actress para madala na sa England ang mga anak at hindi sa New York City.

Noong Abril 2023 kasi ay ginawa nilang mag-asawa bilang permanent na tirahan ang England.

Plano kasi ng actress na isama ang mga anak sa England subalit hindi ibinigay ng asawa.

Magugunitang noong Setyembre 5 ay naghain ang dalawa ng divorce matapos ang apat na taon na pagsasama.