Sinagot ng beteranang actress Vilma Santos ang dahilan ng pagtakbo ng kaniyang dalawang anak sa halalan sa susunod na taon.
Kasabay kasi nitong naghain ng certificate of candidacy ang anak nitong si Luis Manzano at Ryan Christian Recto.
Naghain ng pagka-gobernador sa Batangas ang tatakbuhan ng actress habang bise-gobernador naman ang anak nitong si Luis at kongresista sa ikaanim na distrito ng Batangas ang anak nitong si Ryan sa ilalim ng Nacionalista Party.
Ayon sa actress na hindi lamang sila ang gumagawa na tumakbong magkakamag-anak dahil maraming mga pulitiko na rin sa bansa ang kasabay ng kanilang mga kaanak na tumakbo.
Dagdag pa nito na mayroong silang serbisyong iniaalok sa mga tao at ang mamamayan aniya ang mamimili sa kanila.
Gusto kasi aniya ng mga tao na tumakbo ang actress sa pagka-gobernador dahil ang asawa nito na si Ralph Recto ay kalihim na ng Department of Finance.
Kaya napili niyang tumakbo ang mga anak nito ay dahil na-expose na sila sa pagbibigay serbisyo.
Sila na ang humalili kay Sec. Recto mula ng maupo ito sa Finance Department.
Naniniwala ang tinaguriang “Star For All Season” na makakapagbigay ng magandang serbisyo ang mga anak sa publiko dahil naranasan at nakita nila ang tunay na kalagayan ng mga mamamyan ng Batangas.
Giit pa nito na may maraming advantages ang magkakamag-anak na nagseserbisyo sa isang lalawigan.