Sinampahan ng kaso ng social media advocacy group ang actress-vlogger na si Toni Fowler.
May kaugnayan ito sa malaswang music video niya.
Sa 20-pahinang reklamong inihain ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas Inc. (KSMBPI ) na pinangungunahan ng kanilang pangulo na si Atty. Leo Olarte, na nilabag umano ni Fowler ang Article 201 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
May kaparusahan ng multa mula P6,000 hanggang P12,000 at pagkakakulong ng hanggang 20 taon.
Ang nasabing grupo rin ay siyang nagsampa ng reklamo noon kina TV-host comedian Vice Ganda at partner nitong si Ion Perez dahil sa malaswang ginawa nila sa kanilang show.
Giit ng grupo na ang music video ni Fowler ay naglalaman ng mga kalaswaan na hindi dapat ipalabas sa internet.