VIGAN CITY – Hiniling ni ACTS-OFW chairman John Bertiz sa mga local government unit na alamin kung mayroon silang mga kababayan sa mga OFW na nananatili pa rin ngayon sa Nasugbu, Batangas kahit natapos na ang kanilang 14-day quarantine period.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Bertiz, kung mayroon man silang kababayan na nasa quarantine facility sa Batangas ay narapat umanong magkaroon din sila ng inisyatibo na sunduin ang mga ito.
Paliwanag ni Bertiz, mayroon naman sila umanong certification na natapos na nila ang kanilang quarantine period at ang kanilang swab testing kaya wala umanong dapat ikabahala ang mga opisyal at mga residente sa kanilang lugar.
Idinagdag pa ng kongresista na patuloy pa rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Overseas Workers Welfare Administration at sa Department of Transportation para sa pagpapauwi sa mga OFW na nastranded at kabilang na rin ang pagbibigay ng kanilang “mercy voyage” upang matulongan sila dahil sa kawalan ng trabaho dulot ng COVID-19 pandemic.