-- Advertisements --

Pormal nang iniulat ng Department of Health na “officially contained” na ang acute gastroenteritis outbreak sa Baguio City.

Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Eric Tayag kasunod ng ulat ng Bagiuo City Health Services Office na walang nasawi mula sa mahigit 3,000 mga indibidwal na tinamaan ng naturang karamdaman.

Ang naturang datos ay nagpapakita ng “steep downward trend” sa bilag ng self-reported diarrehea cases sa Baguio mula sa peak na 520 cases na naitala noong Enero 8, 2024 na ngayo’y bumaba na lamang sa 13 kasong naitala noong Enero 15, 2024.

Samantala, bukod dito ay iniulat din ng naturang opisyal na ang mga water samples na nagpositibo sa fecal coliform ay pawang mga tubig lamang aniya na nagmula sa nilang water refilling stations, habang ang main source naman ng tubig sa lungsod kumpirmadong negatibo mula sa naturang bacteria.

Kung maaalala, noong nakaraang linggo ay unang idineklara ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang outbreak ng acute gastroenteritis sa kanilang lungsod.

Habang noon pang Disyembre 21, 2023 ay nagsimulang makapagtala ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng sakit na diarrhea sa Baguio ang DOH.