Binasag na ni Maroon 5 vocalist Adam Levine ang kaniyang katahimikan dahil sa isyu ng pagkakaroon niya ng relasyon sa isang modelo.
Ibinunyag kasi ng modelong si Summer Stroh sa kaniyang social media na nakiusap si Levine sa kaniya na kung maaari ay sa kaniya na ipangalan ang ikatlong anak nito na ipinagbubuntis ng asawang si Behati Prinsloo.
Sinabi ni Levine na hindi sila nagkaroon ng relasyon ni Stroh.
Subalit inamin niya na minsan ay nagawa nag-“crossed the line” tuwing may hindi pagkakaunawaan sila ng kaniyang asawa.
Hindi na lamang nito idinetalye at nais lamang niya na resolbahin ang anumang personal issues sa kaniyang pamilya lamang.
Magugunitang inamin ni Stroh na nagkaroon sil ang relasyon ng singer at ito ay nangyari noong medyo bata pa siya.
Mula pa noong 2012 ng makilala ni Levine ang asawang si Prinsloo na isang Victoria Secret model at noong Mayo 2013 ng ianunsiyo ang kanilang engagement.