Mas makabubuti umano na mag-focus ang mga developing countries sa Asia Pacific region, kasama na ang Pilipinas, sa pagpapa-igting ng mobilization ng kanilang mga domestic resources at bawasan ang pagdepende sa foreign borrowings o pangungutang sa mga dadating pang panahon.
Sa isinagawang 54th Annual Meeting ng Board of Governors ng Asian Development Bank, sinabi ni AQDB president Masatsugu Asakawa na ang mga developing member-economies ay dapat na mag-focus sa domestic resource mobilization (DRM).
Ang DRM ay isang proseso kung saan ang mga bansa ay tinataasan at ginagastos ang kanilang sariling pondo para tulungan ang kanilang mamamayan. Kinonsidera rito ito bilang long-term path sa sustainable development finance.
Subalit dahil sa pandemic at socioeconomic impact nito, sinabi ni Asakawa na kasalukuyang dumadanas ng pressure ang bansa pagdating sa budget at pampublikong utang na nagre-resulta sa large-scale fiscal expenditures.
Magandang ideya umano para sa mga developing countties na subukang dumepende sa mas marami pang domestic resources, nang sa gayon ay hindi na sila masyadong umasa sa externanl finance.
“This pandemic has really increased the fiscal vulnerability of our developing member countries. So the DRM initiative is very, very crucial in this context,” ani Asakawa.
Hindi naman daw maituturing na masama ang umutang lalo na kung kinakailangan talaga ito ng isang bansa, pero ayon kay Asakawa ang accumulation ng public debt, lalo na ang kung ang ang utang ay dolyar, lubha na raw itong nakababahala.
Sa tuwing sinisimulan aniya ng mga developmed countries tulad ng Amerika na taasan ang interest rate sa konteksto ng monetary policy normalization, ay kadalasang nakikitaan ito ng malaking epekto sa capital markets para sa devoloping at emerging countries.
“Those are the kinds of pressures, first of all, for the interest hike in those countries, and then pressures for capital outflow, and then pressures on depreciation of their currencies,” saad pa nito.
Sa unang quarter ng taong 2021, dumoble pa ng P1.38 trillion pesos ang utang ng Pilipinas, kasama na rito ang domestic financing at financing mula sa external sources.
Noong 2020 ay tumaas pa ng 54.5 percent ang utang ng bansa sa gross domestic product (GDP) mula ito sa record-low na 36.9 percent noong 2019.