Inihayag ng Asian Development Bank na inaprubahan nito ang $500 milyon o katumbas ng P27.2 billion na policy-based loan upang tulungan ang Pilipinas na palawakin ang mga oportunidad sa agrikultura.
Sa isang pahayag, sinabi ng Asian Development Bank na susuportahan ng loan ang Subprogram 2 ng Competitive and Inclusive Agriculture Development Program, na naglalayong paunlarin ang sektor sa pamamagitan ng trade policy at regulatory framework reforms.
Nilalayon din nitong pahusayin ang mga serbisyong pampubliko at pananalapi para sa sektor gayundin ang panlipunang proteksyon para sa mga rural families.
Dagdag dito, ang bagong loan ay magtataguyod ng mga bagong hakbangin ng gobyerno, kabilang ang pagbibigay ng walang kondisyong paglilipat ng pera sa mga magsasaka ng palay at mga pautang sa maliliit na agrikultura at pangisdaan sa ating bansa.
Giit ng naturang bangko, ang mga policy-based na pautang ay ibinibigay ng Asian Development Bank bilang development financing sa pambansang budget bilang suporta sa agenda ng reporma sa patakaran ng gobyerno ng Pilipinas.