Malaking banta umano sa muling pagbangon ng mga bansa sa Asya ang malaking puwang sa demand at suplay ng coronavirus vaccines.
Ayon kay Asian Development Bank (ADB) President Masatsugu Asakawa, kailangang mas mag-invest ang mga bansa sa mga manufacturing companies para palawigin ang production function.
Malaki raw ang naging progress ng ADB sa pagbibigay ng tulong-pinansyal upang gabayan ang vaccine production. Noong Disyembre ay inaprubahan ng $9 billion financing instrument na Asia Pacific Vaccine Access Facility o APVAX ang apat na mga bansa para mabigyan ng pondo. Ito ay ang Indonesia, Pilipinas, Afghanistan, at South Pacific Islands.
Naniniwala rin si Asakawa na malaki ang epekto sa ekonomiya nang pagkaantala ng vaccine rollout sa mga rehiyon at nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease.
Ngayong linggo lang ay pinaigting pa ng ADB ang economic outlook nito para sa developing Asia na may 7.3% growth ngayong taon — kumpara sa 6.8% noong Disyembre — matapos ang 0.2% contraction noong 2020.
Nagpahayag din ng pagkabahala si Asakawa tungkol sa padagdag ng padagdag na utang ng rehiyon.
“The resulting accumulation of public debt, especially if it’s denominated in U.S. dollars, is our concern” ayon dito.
Ito ay dahil na rin sa U.S. policy normalization na maaaring magdulot ng capital outflows at currency shocks.