LA UNION – Nagpositibo sa COVID-19 ang isa mula sa dalawang bagong naitala sa lalawigan ng La Union.
Ito ay mula sa bayan ng Balaoan, na isang 44-anyos na lalaki ng Barangay Butubut Norte.
Kaugnay nito, naglabas ng Executive Order No. 2020-04-031 si Balaoan Mayor Aleli Concepcion kung saan mas hinigpitan nito ang pagpasok at paglabas sa nasabing bayan.
Ayon sa kautusan, mahigpit ang pagpapatupad sa no quarantine pass, no travel pass at no permit to travel ay para maiwasan ang paglaganap ng virus.
Kailangan din kumuha ng health certificate ang mga lalabas sa nasabing bayan kung saan ayon sa Section 2 ng EO ang mga hindi residente rito ay kailangan kumuha ng home quarantine pass slip mula sa barangay ng mga ito.
Samantala, sa mga may trabaho naman na lalabas at papasok sa bayan ng Balaoan ay kailangan na kumuha ng certificate of employment sa mga employer ng mga ito.