-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY- Namayagpag ang diwa ng pagkakaisa sa mga Pilipino na nasa bansang Bahrain sa gitna ng kinakaharap na problema dulot ng coronavirus pandemic.

Iniulat ni Maricar Jabao, Bombo International correspondent sa Bahrain na dahil sa ‘no work no pay’ kung saan apektado ang ilang mga OFW’s, gumawa ng paraan ang embahada ng Pilipinas sa naturang lugar para abutan ng tulong ang mga kababayan.

Aniya, mayroon ding mga pribadong sektor ang kumakatok sa pintuan ng tinutuluyan ng mga Pilipino at nag abot ng tulong.