-- Advertisements --
Hindi pa 100 porsyentong makakalaro na sa Game 4 ng NBA finals ang dalawang pambato ng Miami Heat na sina Bam Adebayo at Goran Dragic.
Ayon kay Heat coach Erik Spoelstra, sumama na ang dalawa sa magaan na ensayo ng koponan matapos ang panalo nila laban sa Los Angeles Lakers.
Ipapaubaya aniya nila ang desisyon sa doctor ng kanilang koponan kung papayagan na ang dalawa na makapaglaro.
Magugunitang nagtamo ng neck strain si Adebayo habang torn plantar fascia ang injury ni Dragic na kanilang natamo sa Game 1 NBA finals.
Umaasa ang ilang mga kasamahan nila sa koponan na makakasama na nila ang dalawa sa Game 4.