-- Advertisements --

Ni-renew ng Miami Heat ang kontrata ng dalawa nilang pangunahing manlalaro.

Mayroong limang taon na $163 million na kontrata ang pinirmahan ang center nila na si Bam Adebayo habang isang taon naman ang extended contract ng beteranong forward na si Udonis Haslem.

Kasamang piniramahan ni Adebayo ang escalator clauses na kinabibilangan ng maaari siyang makakuha ng puwesto sa All-NBA Team, MVP o defensive player of the year sa susunod na season.

Dahil dito ay nahigitan nito ang kontrata noon ni Jimmy Butler na umabot $141 million.

Sinabi ni Heat president Pat Riley na ginawa lamang ng koponan ang nararapat para sa nasabing mga manlalaro.

Sa katatapos kasi na season ay mayroong average na 15.9 points na mayroong 10.2 rebounds at 5.1 assists si Adbayo.

Magugunitang hindi nagtagumpay ang Heat sa Finals ng talunin sila ng Los Angeles Lakers sa NBA Finals.